Bagong Gusali ng Pangkultura at Turismo, Pinasinayaan

Dangal at Yaman ng Batangas Kinilala sa Batangas Local Government Awards 2017
December 8, 2017
Talakayan sa Transportasyon, Trapiko, Trabaho, at Pabahay, Tampok sa RDC Meet
December 11, 2017

Batangas Tourism and Products Showcase. Magkakasamang pinasinayaan ng mga local officials ng Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas at Atty. Gina Reyes Mandanas, ang bagong gawang Provincial Tourism Office sa Capitol Compound, Batangas City. Naging isa sa mga tampok na aktibidad ng Foundation Day celebration ng Batangas Province ang pormal na pagbubukas ng nasabing tanggapan, kung saan nakiisa at nakisaya ang ilan sa mga punong bayan sa lalawigan kabilang sina (mula kaliwa) San Juan Mayor Rodolfo Manalo, Sto. Tomas Mayor Edna Sanchez, San Pascual Mayor Roanna Conti, Lobo Mayor Jurly Manalo at AGAP Partylist Congressman Rico Geron. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-436th Founding Anniversary, sama-samang binuksan nina Gov. Dodo Mandanas, mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at ilang mga mayor ang bagong gusali para sa Pangkultura at Turismo ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Disyembre 2017.

Inalayan ng maikling dasal ang pagbubukas ng bagong tanggapan kasabay ng paglibot  ng gobernador sa  buong gusali upang silayan ito kasama parin ang mga pangunahing mga panauhin.

Ibinida sa bagong gusali na magiging pangunahing mukha ng lalawigan sa larangan ng turismo at kultura ang ibat-ibang pamosong produkto mula sa ibat’-ibang bayan ng lalawigan, ganun na rin ang pagsasalarawan ng mga kinagisnang  kulturang Batangueño.

Produktong Batangueño, Bumida sa selebrasyon ng ika-436th Founding Anniversary ng Lalawigan

Iba’t ibang produkto naman ang ibinida mula sa mga bayan ng Lalawigan ng Batangas sa programang pinangunahan ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), Office of the Provincial Veterinarian (PROVET) at Office of the Provincial Agriculturist (OPA) kasabay sa paggunita ng ika-436th Foundation and Recognition Day ng Lalawigan ng Batangas.

Nakiisa ang may 15 Kooperatiba ng lalawigan na nagtampok ng kanilang  mga pangunahing produkto at 9 na exhibitors naman sa hanay ng Provincial Agriculturist Office na ipinakita ang mga yaman ng produktong agrikultura, na kinatatampukan ng kanilang “Pinaka”  o pinakamagaganda at pinakamalalaking ani mula sa kanilang demo farm.

Itinampok nga rito ang mga kilalang produkto ng Batangueño, tulad ng panutsa, pinipig, banana chips at iba pang mga produktong pampasalubong.  Hindi rin nawala rito ang kilalang-kilalang Kapeng Barako ng mga Batangueño.

Iba’t ibang kakaibang produktong dala ng mga kooperatiba ang bumida, tulad ng Indian Mango wine, Papaya Wine, Guava Wine, Guava Jam, Dried Papaya Candy, Dried Guava Candy at Dried Papaya Candy. Kabilang rin dito ay ang Ginger Liqueur, Barako Liqueur at Calamansi Liqueur at Dairy Products katulad ng fresh milk at yogurt.

LGBT BOXING & Videoke Challenge

Pinangunhan ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD) ang Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) Boxing Matches, kung saan ay binigyan ng pagkakataon na makilahok ang mga miyembro ng LGBT Community sa isang kakaibang larangan ng palakasan para sa kanila.

Naging highlight nga ng nasabing patimpalak ang pagbibigay ng pahayag ni LGBT Federation Head, Mr. Eduardo Punzalan. Aniya, “It’s a very wrong definition of our lives. It’s a wrong notion. Ang pagiging bading or bakla ay hindi nakakahawang sakit. It’s just we are really coming out of ourselves, and kaming lahat ay nagkakaisa, nagkakasama-sama. We are one in giving our own identity and expression.”

Bukod sa nakakatuwang boxing fun match, nagkaroon din ng patimplak ng pag awit sa pamamagitan ng videoke na kinatampukan ng mga magaling ng mang-aawit sa hanay ng mga volunteer workers  ng lalawigan. /Batangas PIO; Edwin V. Zabarte; Nicole Bermas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.