Ayuda sa Sektor ng Agrikultura sa Lalawigan, Tinugunan ng Batangas Capitol

Outstanding Bantay Dagat Groups, Pinarangalan sa BRAVO Awards
February 20, 2021
Notice of Vacant Positions
February 26, 2021

February 20, 2021

Tig-aanim na kilo ng assorted vegetable seeds ang ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), sa lahat ng munisipyo at lungsod sa Lalawigan ng Batangas.

Ito ang naging tugon ng tanggapan, sa pangunguna ni Provincial Agriculturist, Engr. Pablito Balantac, sa patuloy na lumalaking demand ngunit lumiliit naman na supply ng pagkain sa gitna ng nararanasang pandemya.

Ilan sa mga buto na ipinamigay ay buto ng kamatis, pepper, sitaw, petchay, kalabasa, pipino, siling pang-sinigang, at mustasa.

Ayon kay Bb. Laura Bihis, Senior Agriculturist sa OPAg, bahagi ito ng regular na programa na taunang ginagawa ng tanggapan bilang ayuda or augmentation sa mga municipal agriculturists.

Malaki aniya ang naitutulong nito sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa lalawigan, na kabilang sa pinatutukan ni Gov. DoDo Mandanas.

Dagdag pa ni Bihis, kasabay na ipinamahagi ang tig-15 na bag ng vermicompost o fertilizer, na epektibong pataba sa mga panananim upang gumanda ang ani.

Grace B. Briones – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.