Ayuda sa mga kababayan, ipinamahagi ng Batangas Capitol

Batangas Provincial Census Coordinating Board, nagtipon bilang paghahanda sa 2020 CPH
November 20, 2019
Joint Regional & Provincial Children’s Month Celebration 2019, isinagawa sa Batangas Capitol
November 21, 2019

November 21, 2019

Animnapu’t dalawang indibidwal at dalawang kooperatiba mula sa iba’t-ibang mga bayan at lungsod ng Batangas Province ang nakatanggap ng medical, burial assistance at livelihood assistance kasabay ng People’s Day noong ika-22 ng Nobyembre 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office, nasa ₱316,500 ang halaga ng naipamahaging medical assistance, samantalang ang burial assistance ay nasa ₱125.000.00.

Nabigyan naman ng livelihood assistance ang San Jose Workers’ Multi-Purpose Cooperative ng Barangay Aya, San Jose para sa kanilang Micro Credit project para sa mga kababaihan na namumuhunan sa mga small at medium enterprises, at ang Streams Multi-Purpose Cooperative ng Poblacion, San Juan para sa kanilang Rice wholesaling at retailing business.

Ang mga nasabing ayuda sa mga Batangueño ang ilan sa mga tuloy-tuloy na pagbibigay serbisyo publiko ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas.

Grace Briones – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.