Araw ng Pangunahing Mamamayan sa Lalawigan ng Batangas, masayang ipinagdiwang

Notice of Vacant Position
October 30, 2019
Pagpapaunlad ng sektor ng pangkabuhayan at kooperatiba sa Batangas, patuloy na tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan
November 4, 2019

October 31, 2019

Masayang ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Araw ng mga Pangunahing Mamamayan, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), noong ika-30 ng Oktubre 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Katuwang sina Governor DoDo Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, malugod na tinanggap ni Amelia A. Maderazo, ang kasalukuyang head ng Provincial Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), ang mahigit sa isang libong Batangueño Senior Citizens na dumalo sa selebrasyon.

Sa gabay ng temang “Healthy and Productive Aging Starts With Me,” aktibong nakiisa ang bawat senior citizen sa lahat ng mga aktidad na isinagawa, at pinatunayan na hindi basehan ang edad para umindak at umawit.

Sa kanyang mensahe, inilahad ni Gov. Mandanas na kailangang patuloy na bigyang halaga ang mga senior citizens sa Lalawigan ng Batangas, at masiguro na natatanggap ng mga ito ang benepisyong para sa kanila, sang-ayon sa batas, tulad ng pagkakaroon ng tamang diskuwentro sa pamasahe, pamilihan at iba pang mga establisyemento. Dagdag pa nito na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang maaaring maitulong upang mapabilis na maibigay ang mga pangangailangan ng mga senior citizens.

Mahalagang bahagi ng pagtitipon ang Oath-Taking ng mga Newly-Elected Officers ng League of OCSA Heads ng Batangas Province, at Officers ng Federation of Senior Citizens na pinangunahan din ni Gov. Mandanas.

Binigyan naman ng Kapitolyo ng “Triple Treat” ang mga senior citizens – libreng manicure, pedicure, massage at gupit. Naging highlight din ang solo singing contest at ballroom dancing.

Nanguna sa Singing Contest Vocal Solo sina Rodelio Francisco ng Nasugbu, at nakakuha ng ₱15,000 at trophy; 2nd placer si Mr. Crisanto Isaga ng Lipa City, na may ₱12,000 at trophy; at, 3rd placer si Mr. Nasario Chavez ng Cuenca, na may ₱9,000 at trophy. Sa Ballroom Dance Contest, champion ang Bayan ng San Jose, na nanalo ng ₱20, 000 at trophy; 2nd placer ang Bayan ng Calaca, na may ₱15,000 at trophy; at 3rd placer ang Bayan ng Bauan, na may ₱10,000 at trophy.

Nakiisa rin sa selebrasyon sina Dir. Annie E. Mendoza, OIC-Department of Social Welfare and Development Region IV-A; Ms. Elena Estacio, President ng Federation of Senior Citizens of the Province of Batangas; 1st District Board Member (BM) JunJun Rosales, na Chairperson ng Committee on Social Welfare; 1st District BM Glenda Bausas; 5th District Senior BM Ma. Claudette Ambida-Alday, na Chairperson ng Committee on the Elderly; at Mrs. Joycelyn R. Montalbo, PSWDO Head.

JunJun Hara De Chavez – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.