Araw ng mga Magsasaka, Matagumpay na Idinaos

“Bantayog ng Wika” Iminumungkahing Itayo sa Kapitolyo
November 30, 2017
Dangal at Yaman ng Batangas Kinilala sa Batangas Local Government Awards 2017
December 8, 2017

Araw ng mga Magsasaka. Ibinida ng mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) kay Batangas Gov. Dodo Mandanas ang mga ani ng provincial demo farm sa Brgy. Bolbok, Batangas City nang ipagdiwang ng tanggapan ang Farmers’ Day noong ika-28 ng Nobyembre 2017. Kasama ng gobernador sa larawan sina (mula kaliwa) PIO OIC Jenny Aguilera at OPA chief Engr. Pablito Balantac. Nicole B. Bermas / Photo: Onin Castillo – Batangas Capitol PIO

December 1, 2017

Naging matagumpay ang 2017 Farmer’s Day sa tanggapan ng Office of the Provincial Agriculture (OPA) sa Brgy. Bolbok, Batangas City noong ika-28 ng Nobyembre 2017.

May temang “Nagkakaisang Magsasaka at Mangingisdang Batangueno, Sa Kaunlaran at Kasaganaan ang Patungo”, sinimulan ang programa sa isang Farm Tour kung saan ipinakita ang iba’t ibang gulay at pananim kasama ang mga dumalo na magsasaka at mangingisda mula sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Batangas.

Naging sentro ng nasabing programa ang pagdating ni Gov. Dodo Mandanas, na nagbigay ng maikli ngunit malaman na talumpati para sa mga magsasaka. Binisita rin ng gobernador, kasama si Provincial Agriculturist Engr. Pablito Balantac, ang mga exhibits na ibinida ang iba’t-ibang produktong pang-agrikultura.

Iisang adhikain naman para sa pag-unlad ng agrikultura sa lalawigan ang inihayag ng mga personalidad na kawani ng gobyerno na dumalo at iba pang kabilang sa mga kompanyang namumuhunan sa sektor ng agrikulutura.
Naging tampok din sa programa ang paggawad ng parangal sa mga natatanging magsasaka na nagpamalas ng husay at galing sa nasabing larangan.

Ayon kay OPA Farm Supervisor Romeo Macaraig, layunin ng naturang programa na matalakay at maipakita ang mga bagong teknolohiyang kagamitan para sa pagsasaka, at maipamulat na kayang-kayang umangat ng agrikultura sa lalawigan basta may sipag at tiyaga sa pagtatanim.

Samantala, namahagi naman ang OPA ng 200 Knapsack Sprayers at 100 sako ng Urea bilang tulong at suporta sa mga magsasaka nang sa gayon ay mapataas pa ang antas ng agrikultura sa lalawigan. Nicole B. Bermas – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.