Anti-Rabies Vaccination patuloy na Isinasagawa sa Buong Lalawigan ng Batangas

Dulaan at Eksibit ng Batangas Province Culture and Arts High, Itinanghal
March 12, 2018
Regional Kooperatibalitaan 2018, Isinagawa sa Lalawigan ng Batangas
March 12, 2018

Maging responsible pet owners. Nagsasagawa ang mga kawani ng Office of the Provincial Veterinarian ng anti-rabies vaccination sa bawat bayan ng Lalawigan ng Batangas. Ipinapaalala nila, sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, sa mga pet owners na maging responsable at pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop. Photo: Batangs ProVet – Batangas Capitol PIO

March 12, 2018

Maging responsible pet owners. Nagsasagawa ang mga kawani ng Office of the Provincial Veterinarian ng anti-rabies vaccination sa bawat bayan ng Lalawigan ng Batangas. Ipinapaalala nila, sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, sa mga pet owners na maging responsable at pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop. Photo: Batangs ProVet – Batangas Capitol PIO

Kaugnay sa selebrasyon ng Rabies Awareness Month, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian, ay nakatakdang magsagawa ng Free Spaying and Neutering sa mga bayan ng San Nicolas at Cuenca at Mass Vaccination sa bayan ng Lian, Batangas sa darating na ika-13 at 15 ng Marso 2018.

Sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, ang Provincial Veterinarian, nagpaalala rin ang nasabing tanggapan tungkol sa responsibilidad ng mga may alagang hayop na huwag hayaang gumala ang alagang aso o pusa sa labas ng bakuran, pabakunahan ang alagang aso o pusa taun-taon, iparehistro ang alagang aso o pusa sa lokal na pamahalaan at sagutin ang pagpapabakuna ng taong nakagat ng alagang aso o pusa.  Ito ay sang-ayon sa Republic Act 9482 o ang “Anti-Rabies Act of 2007.”

Ayon sa datos ng Provincial Health Office, umabot na sa 335 bilang ng mga nakagat na naitala nitong nakaraang Enero hanggang Marso 2018 sa kanilang Animal Bite Treatment Center (ABTC), bukod pa ang nagpagamot sa ABTC ng Batangas Medical Center at Batangas City. Isang kaso naman ng pagkamatay dahil sa rabies ang naiulat sa bayan ng Laurel.

Sa isang panayam kay Daisy B. Dalisay, Provincial Rabies Nurse Coordinator, kapag ang isang tao ay tinamaan ng rabies ito ay 100% nang walang lunas kaya naman hinihikayat niya ang mga pet owner na maging responsable at pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop. Aniya, mabuting kumunsulta sa Animal Bite Treatment Center upang malaman ng pasyente ang mga kinakailangang gawin.

Idinagdag pa niyang patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Batangas Provincial Anti-Rabies Council sa mga tandok sa iba’t ibang bayan ng lalawigan upang maagapan ang wastong paglalapat ng lunas sa mga taong nakakagat ng hayop. Ipinaalam din niyang 16 ang Animal Bite Treatment Centers sa Lalawigan ng Batangas.  Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.