Agricultural Equipment para sa Mango Growers ng Lalawigan, Ipinamahagi

Invitation to Bid (May 5, 2021)
April 16, 2021
Notice of Vacant Position
April 21, 2021

April 17, 2021

Agri Equipment para sa Magmamanggang Batangueño. Pinangunahan nina DA Region 4-A Executive Director Vilma M. Dimaculangan at Provincial Agriculturist, Dr.Rodrigo M.Bautista, ang pamamahagi ng mga kagamitan sa mga pangulo ng mga asosasyon ng mga magmamangga mula sa Batangas City, Lipa City, San Pascual, Nasugbu, San Jose, Bauan, Agoncillo, Rosario, Taal, at Alitagtag noong ika-12 ng Abril 2021 sa Provincial Agriculture Office, Bolbok, Lungsod ng Batangas. Photo: @opabatangas – Batangas Capitol PIO

Upang makatulong sa mga magsasakang Batangueño kaugnay ng pagbaba sa produksiyon ng mangga sa Lalawigan ng Batangas, pinangasiwaan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang pamamahagi ng mga agricultural equipment sa mga mango growers associations sa lalawigan.

Ang nasabing distribusyon ng kagamitan, na bunga rin ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa sektor ng agrikultura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ay isinagawa noong ika-12 ng Abril 2021 sa Provincial Agriculture Office, Bolbok, Lungsod ng Batangas.

Kabilang sa mga ipinamigay ang mini chainsaw, pole pruner, power sprayer, ladder at calcium nitrate o flower inducer, na bahagi ng programang High Value Crops Development Program (HVCDP) ng Department of Agriculture (DA) Region IV-A.

Pinangunahan ang aktibidad nina DA Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan, Regional HVCDP Coordinator Redeliza Gruezo, Regional Focal Person for Mango Ruben Perlas, Agricultural Program Coordinating Officer Fidel Libao, at OPAg chief, Dr.Rodrigo M.Bautista, na personal na iniabot ang mga tulong sa mga pangulo ng mga asosasyon ng mga magmamangga mula sa Batangas City, Lipa City, San Pascual, Nasugbu, San Jose, Bauan, Agoncillo, Rosario, Taal, at Alitagtag.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng Mango Growers Federation ng lalawigan sa tulong na ito ng pamahalaan.Tiniyak naman ng pangulo nito na si Mr. Domingo Mercado, na higit pa nilang palalakasin ang kanilang samahan at patuloy silang magiging katuwang ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad ng industriya ng mangga sa Lalawigan ng Batangas.

Matapos ang pamamahagi ng agricultural inputs, isinagawa rin noong araw na iyon ang pormal na turnover sa OPAg ng Seed Storage, mula rin sa DA Region IV-A, na magiging bahagi ng maayos at tamang pamamahala at pangangalaga ng mga binhi na ipinamamahagi sa mga magsasaka ng lalawigan.

Jun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.