7th Provincial Migrants Day Celebration, matagumpay na idinaos

Universal Health Care Law Forum, isinagawa sa Kapitolyo
December 10, 2019
Pagdiriwang ng ika-438 anibersaryo ng Lalawigan ng Batangas, binuksan sa Lungsod ng Sto Tomas
December 11, 2019

December 11, 2019

Kaagapay sa pag-unlad ng Migranteng Batangueño. Naging panauhing pandangal si Director Roel B. Martin (gitna) ng National Reintegration Center for Overseas Filipino Workers sa pagdiriwang ng 7th Provincial Migrants Day ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, noong ika-10 ng Disyembre 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Pinangunahan ang pagtitipon nina Gov. DoDo Mandanas at Provincial Social Welfare and Development Office Department Head Joy Montalbo. Photo: Jun Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng 7th Provincial Migrants Day ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), noong ika-10 ng Disyembre 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Naging panauhing pandangal sa pagdiriwang si Director Roel B. Martin ng National Reintegration Center for Overseas Filipino Workers (OFW), na nagbigay ng ulat sa estado ng mga OFW, na ginabayan ng temang “Migranteng Batangueño, kaagapay sa Pag-unlad.”

Ayon kay Dir. Martin, ang tunay na mithiin ng mga OFW ay ang mapataas pa ang kalidad ng buhay ng kanilang mga pamilyang naiwan sa Pilipinas. Upang mapag-ibayo ang mithiing ito, nagbibigay ang ahensiya ng mga kapakipakinabang na mga programa at serbisyo.

Kabilang dito ang Small Business Management Training and Financial Awareness Seminar para sa mga pamilya ng OFWs. Ganoon din ang Livelihood Intervention para sa mga umuwi nang mga Pinoy sa ilalim ng “OFW Balik Pinas, Balik Hanapbuhay.”

May programa ring “Assist Well,” na isinasagawa upang sa pagbabalik ng isang OFW ay matugunan ang mga pangangailangan patungkol sa welfare, employment, legal and livelihood; “Biyaheng AGRIpreneur,” na aagapay sa OFW sa larangan ng agricultural business; at, “Sa Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir,” na nagbibigay ng pagkakataon sa mga OFW na Licensure Examination for Teachers (LET) passers na makapagturo sa mga pampublikong paaralan.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Governor DoDo Mandanas na sa Lalawigan ng Batangas nagmula ang maraming bilang ng mga magagaling na migrant workers pasimula pa noong 1973. Dagdag pa niya na, katuwang ang PSWDO, Provincial Cooperative Livelihood Enterprise Development Office at Provincial Employment Service Office (PESO), ipagpapatuloy ang pagtugon sa pangangailangan ng mga Batangueño OFWs.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.