Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng LGBTQ+ Pride Month tuwing buwan ng Hunyo, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 6th Batangan Pride March virtual celebration noong ika-30 ng Hunyo 2021, na may temang “May Bahaghari sa panahong ng Korona.”
Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office, sa pangunguna ni Gng. Jocelyn Montalbo, katuwang ang Provincial LGBT Alliance of Batangas (PLAB).
Tampok sa aktibidad ang ilan sa mga miyembro ng LGBT community na napagtagumpayan ang hamon ng buhay sa gitna ng pandemya. Ibinahagi nila ang kanilang kwento upang magsilbing inspirasyon sa nakararami at magbigay pag-asa sa bawat isa sa panahong nakararanas ng kahirapan ang mundo.
Isinagawa rin ang Virtual Elimination Round ng PLAB Corona Queen 2021 pageant.
Nagpaabot ng mensahe at pagbati sina 1st District Board Member at Committee on Social Welfare Chairperson, Carlo Roman G. Rosales Jr., at Provincial Administrator Levi Dimaunahan, na naging kinatawan ni Governor DoDo Mandanas.
Elfie Ilustre – Batangas PIO Capitol