Batangas Provincial Jail, Nagbigay ng Ulat

Lemery, San Juan, Tanauan, Kampeon sa 2018 Gov. Mandanas Inter-LGU Sports Competition
December 13, 2018
Ika-20 Malasakit Center sa bansa, Pinasinayaan sa Batangas Provincial Hospital
January 10, 2019

January 7, 2019

Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong ika-7 ng Enero 2019, iniulat ni Batangas Provincial Jail Officer-in-Charge, Atty. Genaro S. Cabral, ang mga kasalukuyang impormasyon at mga accomplishments ng kanilang tanggapan.

Una niyang nabanggit ang current population of inmates ng Provincial Jail, na base sa huling datos noong December 31, 2018, ay may kabuuang bilang na 1,204. Ito ay binubuo ng 1,107 na kalalakihan at 110 naman ang mga babae.

Sa Detainees Profiling at Statistic of Crime Committed ng BPJ Inmates, malaking porsyento ang binubuo ng illegal drugs-related cases na umabot sa 70%. Sinundan ito ng Crime against person sa 10%, Crime against chastity na may 12% na bilang, Crime against property sa 5% at Other and Special Laws Crime na may 3%.

Mula naman Agosto 9 hanggang Disyembre 31, 2018, nakapagtala ang BPJ ng bilang ng natanggap na detainees na umabot sa 344. Ipinagmalaki ni Atty. Cabral ang ginawa nilang aksyon upang mapababa ang bilang ng mga detainees mula sa kabuuang 870. 190 sa mga nasabing detainees ang released sa pamamagitan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC.

Ang pagbaba ng bilang ng mga inmates ay malaki aniyang katipiran sa budget dahil ang dating isang milyong pondo kada 15 araw ay lumiit na sa halagang limandaang libong piso.

Samantala, kabilang sa mga significant accomplishments ng BPJ noong nakaraang taon ang pagsasagawa ng mga programa sa tulong ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, kagaya ng Department of the Interior and Local Government – Batangas, Special Weapons and Tactics team at Batangas Police Provincial Office.

Dito naisakatuparan nila ang mga proyektong laban sa illegal drugs tulad ng Oplan Galugad, Inventory ng mga kompiskadong gamit sa loob ng detention cell, pagkumpiska sa mga ipinagbabawal na mga gamot, imbentaryo ng mga nakuhang kontrabando, dismantling of makeshift bunkers na naisagawa sa pamamagitan ng tulong mula sa tanggapang ng Batangas General Services Office at ng PNP.

Nagdaos din ang BPJ ng isang selebrasyon kaugnay sa Prison Awareness Week kung saan naging tampok na mga aktibidad ang Issuance of Certificate of Release from Detention of Prisoners para sa 15 inmates at graduation ng ilang inmates na sumailalim sa Hilot Wellness Massage Training. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.