60% counterpart salary mula sa Pamahalaang Panlalawigan, ipinamahagi sa SPES grantees

Ika-23 Anibersaryo ng PACD, ipinagdiwang
July 3, 2019
Kapitolyo Job Fair: tampok sa 1st day ng 2nd Term ni Gov. DoDo
July 3, 2019

July 3, 2019

Matapos makumpleto ang hindi bababa sa 20 araw na summer job, ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development (PACD), ang 60% ng suweldo ng mga Special Program for Employment of Students o SPES grantees noong ika-1 ng Hulyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

198 na mga high school students ang naging bahagi ng SPES, na pinangasiwaan nina Ms. Fredesvinda R. Mendoza, PACD Department Head, at Provincial Employment Services Office (PESO) Manager, Dr. Razel M. Ingco.

Ang ipinamahaging suweldo, na nagkakalagang P1,483,329.60, ay counterpart salary mula sa pondo ng Kapitolyo, habang ang karagdagang 40% ay manggagaling naman sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng SPES, nakatanggap ang bawat isang estudyante ng halagang P478.00 sa isang araw ng kanilang pagtatrabaho, na katumbas ng Salary Grade 1 rate sa sahod ng isang kawani ng gobyerno.

Ang mga mag-aaral na naging bahagi ng programa ay itinalaga sa iba’t-ibang unibersidad tulad ng Batangas State University, University of Batangas, at Lyceum of the Philippines University Batangas.

Ang SPES ay taunang ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan tuwing bakasyon, katuwang ang DOLE, upang makatulong sa mga mahihirap, ngunit karapat-dapat, na mga estudyante at out-of-school youth. – Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.