5th Batangan Pride March 2019, umarangkada sa San Pascual

Araw ng Kalayaan, ipinagdiwang sa Batangas Capitol
June 12, 2019
Child Sexual Extortion at Exploitation sa Batangas Province, tinutukan ng ECPAT Philippines
June 17, 2019

June 14, 2019

Naging makulay, masigla at puno ng kasiyahan nang umarangkada ang 5th Batangan Pride March, na bahagi ng pagdiriwang ng LGBT Month, noong ika-14 ng Hunyo 2019 sa Municipal Gymnasium ng Bayan ng San Pascual.

Ang aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial LGBT Alliance of Batangas (PLAB), Municipal Government of San Pascual, at San Pascual LGBT Association.

Mahigit isang libong LGBT members mula sa 31 na munisipalidad at 3 lungsod ng Batangas ang lumahok sa mga tampok na gawain sa nasabing pagtitipon, tulad ng street dance, parada kasama ang kanilang mga muses, Local Festival Costume, Amazing Gay/Lesbian, PLAB Got Talent, June Bridal Hair & Make-Up at Best and Most Organized Delegates.

Personal na nakisaya sa pagtitipon si San Pascual Mayor Roanna Conti, na bilang Pride March host ay naging bahagi din ng parade sakay sa karosa, kasama sina PSWDO Department Head Jocelyn Montalbo, PSWD Assistant Department Head Flor Lachica, at mga opisyal ng iba’t ibang LGBT associations sa lalawigan.

Tinanghal namang 2019 Over-All Champion sa mga patimpalak ang delegasyon ng Munisipalidad ng Lemery. Jun –Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.