55 mag-aaral, lumahok sa Diwang Batangueño Storytelling

P1.7 Milyon Individual and Cooperative Financial Loan Assistance, ipinamahagi
March 1, 2019
Free Civil Service Review, matagumpay na idinaos
March 3, 2019

March 1, 2019

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Arts Month 2019, matagumpay na isinagawa ang Diwang Batangueño Storytelling Program sa pangunguna ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), katuwang ang Batangas Culture and Arts Council (BCAC) at Provincial Library, noong ika-28 ng Pebrero 2019 sa Capitol Compound, Batangas City.

Nakasentro sa “Diwang Batangueño”, ang nasabing programa ay naglalarawan sa limang pangunahing katangian ng isang tunay na Batangueño, na binubuo ng kagitingan (nobility), kasipagan (industry), katalinuhan (wisdom), katapangan (bravery), at kagandahan (beauty).

55 mag-aaral ang dumalo sa Storytelling Program, 25 sa mga ito ay nagmula sa Bauan West Elementary School sa Brgy. Aplaya ng Bayan ng Bauan kasama, habang parehong 15 mag-aaral ang dumalo mula sa Malitam Elementary School at Wawa Elementary School ng Lungsod ng Batangas.

Bukod sa mga nabanggit, 11 librarians din ang nakilahok sa aktibidad, na magkasabay na idinaos sa Provincial Library para sa grupo mula sa Batangas City, at Samahang Batangueña para sa delegasyon mula sa Bauan.

Kaugnay dito, nagsilbi bilang mga facilitators at storytellers sina 5th District Board Member Claudette Ambida-Alday at 2nd District Board Member Arlina Magboo.

Sinundan ang programa, na layong maitaas ang kamalayan ng mga kabataang Batangueño patungkol sa kasaysayan, kultura at sining ng lalawigan, ng isang tour para sa mga dumalo sa Museo ng Batangas sa People’s Mansion sa Kapitolyo.  ✐Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.