4th Quarterly Honorarium para sa mga barangay tanod chiefs, ipinamahagi ng Kapitolyo

African Swine Fever issue, masusing tinalay sa RDC IVA ExeComm Meeting
November 13, 2019
Batangueño PWDs, dumalo sa 2nd Semestral Meeting ng mga Focals at Federation Officers
November 14, 2019

November 14, 2019

Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 4th Quarter honorarium sa mga hepe ng mga barangay tanod sa mga lungsod at munisipalidad ng Batangas Province noong N0vember 11-15, 2019.

Isinagawa ito sa pangunguna ng Provincial Public Order and Safety Department Office (PPOSD) upang mabigyan ng ayuda ang mga barangay tanod chiefs, na kaagapay ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga barangay.

Kaugnay din ito sa mandato ni Gov. DoDo Mandanas na patuloy na masuportahan ang mga barangay volunteers, na siyang direktang katuwang ng mga LGUs para maparating ang mga public service sa mga komunidad.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ni PPOSD Department Head, Atty. Genaro S. Cabral, sa mga samahan ng mga barangay tanod nang sa gayon ay higit pang makaalalay at makatulong ang pamahalaang panlalawigan sa pagpapaganap ng mga ito ng kanilang mga tungkulin.

Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.