4P’s Parent Leaders Tumanggap Ng Ayuda

Likhang Sining ng mga Batangueño, Tampok sa Exhibit sa Megamall
March 18, 2017
5th Batangas Provincial Urban Fire Olympics, Isinagawa
March 22, 2017

March 20, 2017

Humigit kumulang tatlong libo’t limang-daang Parent Leaders ang nakatanggap ng kani-kanilang mga tulong pinansyal buhat sa pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Dodo Mandanas, noong ika-20 ng Marso 2017 sa Provincial Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City. Sinuportahan naman ito ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov. Nas Ona, kasama ang mga Bokal na nagbigay din ng mga pang-raffle at papremyo sa mga palaro sa nasabing pagtitipon. Sa pakikipagtulungan ng mga ahensya ng Provincial Social Welfare and Development Office, Department of Social Welfare Development, City Social Welfare Development, napaabot ng maayos ang mga tulong pinansyal na ito sa mga magulang. Naging espesyal naman ang araw na ito para sa Gobernador sapagkat kinantahan siya ng mga Parent Leaders na ayon sa kanya ay naging unang pagbati para sa kanyang kaarawan. Jhay Jhay B. Pascua/Photos by: Francis A. Milla -PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.