46 Batangueño PWDs Nabigyan ng Assistive Devices

Quality Health Care para sa mga Mahihirap na Batangueño, mas Palalawigin ng Pamahalaang Panlalawigan
February 26, 2021
Pagbabawal sa Single-use Straw, Paggamit ng Biodegradable at Reusable Bags, Isinusulong sa Lalawigan ng Batangas
February 27, 2021

February 27, 2021

Pormal na tinanggap ng Persons With Disabilities (PWD) officer at coordinator mula sa Bayan ng Bauan ang mga assistive devices mula kay Batangas Provincial Federation President of PWDs, Ginoong Nelson R. Adante. Ang mga kagamitan mula sa Department of Health ay ipinamahagi noong ika-22 ng Pebrero 2021 sa PSWDO Building, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Nelson Adante – Batangas Capitol PIO

46 na mga Batangueño persons with disabilities (PWD) ang nakatanggap ng assistive devices mula sa Department of Health (DOH) noong February 22, 2021.

Ang mga benepisyaryo ng walker, crutches at white cane ay mula sa mga Bayan ng Bauan, Cuenca, San Pascual at Malvar, at Lungsod ng Lipa.

Ang proyekto ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan nina Provincial Disability Affairs Officer (PDAO), Ginoong Edwin De Villa, at Provincial Federation President of Persons With Disability, Ginoong Nelson R. Adante, kina Director Eduardo Janairo at Paulina Calo ng DOH-Region IV-A CALABARZON.

Ayon kay Ginoong Adante, naging posible ang nasabing gawain dahil sa patuloy na pag-agapay sa PWD sector ng Provincial Social Welfare Development Office, sa pangangasiwa nina PSWDO department head Jocelyn R. Montalbo at PWD Focal Person Joan Mae Mendoza. Aniya, dama ng mga Batangueñong PWD ang pagpapahalaga sa kanilang kapakanan dahil sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng nasabing mga kagamitan sapagkat, kung noong una ay sila ay nananatili lamang sa kanilang tahanan, sila ay maaari nang makalabas at makisalamuha sa kapwa.

Grace Briones – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.