443 Displaced Workers sa Lalawigan ng Batangas, Nabigyan ng Tulong sa Ilalim ng TUPAD Program

Kapitolyo, Nakiisa sa Philippines Arbor Day
July 4, 2021
Pinakamataas na Lebel ng Sulfur Dioxide Emission sa Bulkang Taal, Naitala Ngayong Araw – PHIVOLCS
July 4, 2021

July 4, 2021

Patuloy ang pag-aadhika ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Tulong sa Pagpapaunlad ng Pamayanan (PACD), upang matulungan ang mga Batangueñong manggagawa na naapektuhan at nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng pandemya sa ekonomiya.

Isinagawa noong ika-21 hanggang 25 ng Hunyo 2021 ang pagbibigay ng sahod para sa 443 na mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), mula sa inisyatibo ng Tanggapan ni Sen. Emmanuel “Joel” Villanueva.

Katuwang ng PACD sa implementasyon ng TUPAD ang mga Public Employment Services Office (PESO) Managers ng Balayan, Calatagan, Lian, Taal, Bauan, Lobo, San Luis, San Pascual, Alitagtag, Balete, Cuenca, Malvar, Mataas na Kahoy, Sta. Teresita, Sto. Tomas City, Tanauan City, Padre Garcia, San Jose, San Juan, Taysan, at Lipa City.

Nasa ₱1.9 Milyon ang halaga ng emergency employment assistance na inilaan para sa mga benepisyaro, na nagsagawa ng disinfection activities sa kani-kanilang mga komunidad.

Sumailalim sa isang orientasyon ang mga ito, at pinagkalooban ng Personal Protective Equipment (PPEs), tulad ng face mask, face shield, long sleeves at sombrero upang mapangalagaan ang sarili laban sa COVID-19 virus.

Nagpasalamat naman ang mga nabigyan ng trabaho sa DOLE, kay Governor DoDo Mandanas, at Senator Villanueva.

PACD – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.