41st National Disability Prevention Week Assembly, isinagawa sa bayan ng Malvar

P26M Financial Assistance mula sa DOH, ipinagkaloob sa Lalawigan ng Batangas
November 18, 2019
STI/HIV/AIDS Ordinance sa Lalawigan ng Batangas, ipinasa ng SP
November 18, 2019

November 18, 2019

Naging matagaumpay ang isinagawang 41st National Disabilty Prevention Week Assembly, na may temang “Lokal na Pamahalaan: Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga taong may kapansanan,” noong ika-13 ng Nobyembre 2019 sa Cultural Center sa Bayan ng Malvar.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng humigit kumulang 400 na mga partisipante mula sa sektor ng Persons with Disabilities (PWDs) at ilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Malvar. Ito ay naisagawa sa inisyatibo nina Ms. Gemma Carinio, pangulo ng Malvar PDWs Association, Ms. Liza Cabiscuelas Bico, Focal Person ng pamunuan ng Municipal Social Welfare Development Office, at sa tulong at suporta ng Punong Bayan ng Malvar, Mayor Cristeta Cuevas Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Naging bahagi ng pagpupulong ang pagtalakay sa mga kapakanan at karapatan na dapat matamo ng mga taong may kapansanan sa pangunguna ni Mr. Harold Lipa, president ng Lipa PWDs Association at kasalalukuyan ding Auditor ng Samahan ng mga PWDs sa buong lalawigan.

Isang inspirational at motivational message naman ang ibinahagi ni Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas, Inc. (FPDPBI) President Mr. Nelson Adante, na isa ring kawani ng Pamahalaang Panlalawigan. Hinangaan naman ng lahat ng dumalo ang pagbabahagi ni Ginoong Adante, bilang isang proud member ng nasabing sektor.

Sa naging pananalita ni Mayor Reyes, labis ang kaniyang kasiyahan sa ipinakitang dedikasyon at tibay ng loob nga mga taong may kapansanan, na ayon sa kaniya, ay talagang patunay na hindi hadlang ang kakulangan o pagkakaroon ng kapansanan para magsilbing inspirasyon sa iba, umunlad sa buhay, at makapaglingkod sa kapwa.

Samantala parte rin ng programa ang sabayang pagbigkas ng Panata ng tagapagtaguyod ng karapatan at pribilehiyo ng mga may kapansan at ilang mga aktibidad para sa kasiyahan ng mga PWDs, at raffle draw na handog ng lokal na pamahalaan ng Malvar at mula sa tanggapan ni Vice Governor Mark Leviste.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.