41st National Disability Prevention & Rehabilitation Week, ipinagdiwang sa Kapitolyo

Panata ng tagapagtaguyod ng karapatan at pribilehiyo ng mga may kapansanan, binigkas sa Kapitolyo bilang pakikiisa National Disability Prevention and Rehabilitation Week
July 22, 2019
Batangueña, wagi sa International Presentation of Performers (IPOP)
July 29, 2019

July 26, 2019

Sa gabay ng temang “Lokal na Pamahalaan: Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong may Kapansanan,” ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 41st National Disability Prevention & Rehabilitation Week (NDPR), sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office, noong ika-26 ng Hulyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site Batangas City.

Kasama ang mga may kapansanan sa Lalawigan ng Batangas, naging sentro ng selebrasyon ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga karapatan ng mga PWDs.

Nagbigay ng orientation seminar ang PhilHealth, na kinatawan ni Ms. Contessa Starsky M. Villaruel ng PhilHealth Marketing Team Field Operation-Membership Section.

Tinalakay niya ang Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Act at Republic Act No. 11228 o The Mandatoy PhilHealth Coverage para sa mga Persons with Disability (PWDs) at mga benepisyo na maaaring makuha sa PhilHealth ng mga PWDs.

Kasunod nito, nagbigay ng updates on the Issuance of Identification Cards for PWDs si Mr. Mateo A. Lee Jr., OIC – National Council on Disability Affairs; National Programs and Services of DSWD para sa mga PWDs, si Ms. Jocelyn Jabon, Social Worker Office II – DSWD Region IVA; at, Mandate of PDAO si Ms. Arlene Banaag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas Province.

Kasabay ng selebrasyon, nagkaroon din ng Launching of Mobile Phone Short Film Competition on Accesible Tourism, na pinangunahan ni Mr. Edwin Abelardo N. De Villa, PDAO Head, na layuning makahikayat sa publiko na gumawa ng isang maikling palabas na magsasalarawan ng pagpapahalaga sa mga may kapansanan, gamit ang mobile phones lamang.

Nagkaroon din ng libreng masahe, haircut, manicure at pedicure ang mga PWDs.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gov. DoDo Mandanas na ang pamahalaang panlalawigan ay kaisa sa anumang hakbangin at layunin upang mas mabigyan pa ng atensyon at karagdagang tulong ang mga PWDs sa buong lalawigan.

Kabilang sa mga nakiisa sa selebrasyon sina 4th District Board Member Jesse De Veyra; 3rd District Board Member Rudy Balba; 2nd District Board Member Arlene Magboo; 1st District Board Member Glenda Bausas; 1st District Board Member Junjun Rosales; 5th District Board Member Claudette Ambida Alday, na Chairperson ng Committee on Person with Disabilities; 5th District Board Member Arthur Blanco; at, Batangas Province Federation of Persons with Disability President Mr. Nelson Adante. Jun –Jun De Chavez/Shelly Umali – Batangas Capitol PIO / Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.