400 Food Packs Ipinamahagi sa mga Binagyo sa Lungsod ng Batangas

Operation Timbang Plus sa Lalawigan ng Batangas Patuloy na Tinututukan ng PHO
January 23, 2021
Notice of Vacant Positions
January 25, 2021

January 23, 2021

“Reaching out to communities in need because we care.”

Ito ang tema ng ginanap na pamamahagi ng tulong para sa mga nasalanta ng nakaraang mga bagyo sa Barangay Ilijan, Dela Paz at Talahib Pandayan sa Lungsod ng Batangas.

Sa pangunguna at pakikipag-ugnayan ng Office of the Provincial Governor, 400 food packs, na naglalaman ng mga de lata, noodles at gamot, ang ipinamigay sa mga Batangueño ng Mercury Drug Foundation, ang social responsibility organization ng isang pribadong drug store chain sa Pilipinas.

Ayon kay Ginoong Jimmyboy Navarro, district manager ng kumpanya sa Western Batangas area, hangarin ng kanilang organisasyon na makapaghatid ng tulong sa mga kababayan at maiparamdam sa kanila ang tunay na pagkalinga, bagama’t naantala ang kanilang proyekto.

Ang paghahatid ng tulong ay naisagawa sa pangunguna nina Ms. Jonalyn Artillaga at Mr. Cris Ramos ng OPG.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa mga walang sawang pagtulong ng iba’t-ibang samahan o organisasyon at mga pribadong kumpanya katulad na lamang ng Mercury Drug Foundation.

Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.