31st Prison Awareness Week celebration, idinaos sa Batangas Provincial Jail

Notice of Vacant Position
October 29, 2018
Batangueño Senior Citizens’ Week 2018, ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan
October 30, 2018

15 Batangas Provincial Jail inmates, matapos magpakita ng kagandahang asal sa loob ng bilangguan, ang nabigyan Certificate of Release from Detention of Prisoners noong ika-28 ng Oktubre 2018, sa pagdiriwang ng Prisoners’ Awareness Week. Iniabot nina Gov. Dodo Mandanas at Provincial Public Order and Safety Department Head at Batangas Provincial Jail Officer-In-Charge, Atty. Genaro S. Cabral, ang mga sertipiko. Photo: Batangas Provincial Jail – Batangas Capitol PIO

Ipinagdiwang ng Batangas Provincial Jail (BPJ) noong ika-22 hanggang 28 ng Oktubre 2018 ang Prison Awareness Week, sa pangunguna ni Provincial Public Order and Safety Department Head at Batangas Provincial Jail Officer-In-Charge, Atty. Genaro S. Cabral.

Sa temang “Lord, may I see, hear and act on the request for help of your people”, naglaan ang BPJ ng mga aktibidad na may layuning maitaas ang moralidad at mabigyang halaga ang mga inmates sa kabila ng kanilang kalagayan sa piitan.

Naging tampok sa Prison Awareness Week, ang Issuance of Certificate of Release from Detention of Prisoners na personal na dinaluhan ni Governor Dodo Mandanas at Atty. Cabral para sa 15 inmates matapos magpakita ng kagandahang asal sa loob ng bilangguan habang nagsisilbi ng kanilang sentensya.

Sinimulan ang selebrasyon ng isang misa at seminar patungkol sa values at volunteer in prison service noong ika-22 ng Oktubre. Sa mga sumunod na araw, nagkaroon ng gift giving sa mga preso na handog ng mga mag-aaral mula sa Sta. Teresa College ng Bauan, Batangas. Ginanap din ang graduation ceremony ng 74 male at 26 female inmates na sumailalim sa Hilot Wellness Massage Training na pinangunahan ng First in Learning Electronics Training Center o FILETC at TESDA Batangas.

Ika-25 ng Oktubre naman nang bumisita sa nasabing piitan sina Judge Dorcas Ferriols-Perez ng Regional Trial Court Branch 84 at Judge Ismael Macasaet ng RTC Branch 1 ng Batangas City para sa Jail visitation of Judges upang makapagbigay ng legal consultation. Nagkaroon din ng mga aktibidad gaya ng dance and singing contest, barako gay contest at Live Band Performance na pawing mga handog para sa kasiyahan ng mga inmates. Mark Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.