2nd Prosthesis Distribution, Assessment para sa mga Batangueño PWDs, isinagawa

Batangas Provincial Development Council: African Swine Fever (ASF) ay “national threat”
March 19, 2019
Indak Kababaihan 2019, matagumpay na isinagawa sa Batangas Capitol
March 20, 2019

Kabilang si Ginoong Ramon Rodriguez ng Bayan ng Laurel sa mga nakatanggap ng artificial leg sa isinagawang 2nd Distribution and Assessment of Prosthesis para sa mga Persons with Disability (PWD) na ginanap sa Persons with Disability Affairs Office Conference Room, PSWDO Building, Capitol Compound, Batangas City noong ika-20 ng Marso, 2019. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

March 20, 2019

Kabilang si Ginoong Ramon Rodriguez ng Bayan ng Laurel sa mga nakatanggap ng artificial leg sa isinagawang 2nd Distribution and Assessment of Prosthesis para sa mga Persons with Disability (PWD) na ginanap sa Persons with Disability Affairs Office Conference Room, PSWDO Building, Capitol Compound, Batangas City noong ika-20 ng Marso, 2019. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Alinsunod sa adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga Batangueño, isinagawa ang 2nd Distribution and Assessment of Prosthesis para sa mga Persons with Disability (PWD) na ginanap sa Persons with Disability Affairs Office Conference Room, PSWDO Building, Capitol Compound, Batangas City noong ika-20 ng Marso, 2019.

Upang makatutulong mapunan ang nawawalang bahagi ng katawan, 6 na leg prosthesis ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryong PWDs. Nagkaroon naman ng 23 assessments para sa paglalagay ng prosthesis, kung saan 19 ay para sa paa at binti at 4 ay para sa kamay at braso.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pamamagitan ng PDAO, na pinamumunuan ni Mr. Edwin De Villa, katuwang ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang PBF Prosthesis and Brace Center.

Sa panayam kay PDAO Head Edwin De Villa, ipinaliwanag nito na ang proyekto ay naglalayong mas mapabuti ang kalagayan ng mga Batangueñong may kapansanan sa pamamagitan ng assistive devices na makakatulong sa kanila upang maging produktibo sa kani-kanilang mga tahanan at pamayanan.

Dagdag pa niya, huwag mag-aatubaling lumapit sa kanilang tanggapan ang mga PWDs dahil, sa ilalim ng programa ni Governor DoDo Mandanas, ang bawat may kapansanan ay ginagawan ng paraan na maitaguyod ang dignidad, makapag-aral at matugunan ang mga pangangailangan.

Aktibong katulong sa proyekto ang Federation of Persons with Disability of the Province of Batangas, sa pangunguna ng Federation President nitong si Mr. Nelson Adante. Bukod sa prosthesis, ang PDAO ay nagbibigay din ng wheel chairs, hearing aids at iba pang assistive devices na naka-disenyong makatulong sa mga kakulangan ng mga may kapansanan. Louise Mangilin — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.