209 Batangueño students, pasok sa SPES sa Kapitolyo

Basic Wheelchair Training ng DOH, dinaluhan ng mga Batangueño PWDs
April 8, 2019
Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kinilala ng BIR
April 8, 2019

April 8, 2019

Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng orientation at career coaching para sa 209 na mga estudyanteng kalahok sa Special Program for the Employment of Student (SPES), sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD), na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-8 ng Abril 2019.

Kabilang sa mga nagbigay ng orientation sina Ms. Fredesvinda R. Mendoza, Officer – in – Charge ng PACD at Provincial Employment Services Office (PESO) Manager; Dr. Razel M. Ingco, PESO Coordinator; at, Mr. Karl Joseph Sanmocte, ang Department of Labor and Employment (DOLE) Focal Person.

Ipinaliwanag ni Dr. Ingco ang programang SPES; ang naganap na screening ng mga aplikante sang-ayon sa requirements; at, ang pangunahing adhikain ng SPES na makatulong sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Ang mga napiling mag-aaral ay makakatanggap ng P478 per day sa loob ng dalawang buwang o 20 araw na pagtatrabaho, kung saan ang 40% ay magmumula sa DOLE habang ang 60% ay sa pondo ng pamahalaang panlalawigan.

Nagbahagi naman si Mr. Sanmocte ng ilang orientation at career coaching na may kinalaman sa skills at attitude na magagamit ng mga SPES qualifiers sa kanilang pagtatrabaho at sa kanilang mga karera sa hinaharap.

Sa mensahe ni Ms. Fredesvinda Mendoza sa mga mag-aaral, sinabi nito na makatutulong sa bawat isang kalahok ang pagkakataon na maging empleyado at miyembro ng organisasyon kung saan sila mapapatalaga. Dagdag pa niya na kinakailangang pagbutihin nila ang kanilang mga trabaho dahil makatutulong ito sa kanilang sarili, sa kanilang pag-aaral at sa kanilang pamilya. Shelly Umali – PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.