2019 Palarong Pambansa Elementary Basketball Champs, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan

Distribution of Brigada Eskwela Materials, isinagawa
May 18, 2019
Batangueña, Kinilalang Ulirang Ina National Awardee 2019
May 20, 2019

Tagumpay ng Batangueño, tagumpay ng buong CALABARZON. Ginawaran ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ng pagkilala at financial incentives ang mga natatanging kabataang manlalarong nagpakitang gilas sa idinaos na Palarong Pambansa 2019 noong ika-28 ng Abril hanggang ika-5 ng Mayo sa Davao City. Iniuwi ng koponan ang medalyang ginto sa Elementary Basketball Competition. Kasama ni Gov. Mandanas sa larawan ang ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Provincial School Board Scholarship Division Head Merlita Pasatiempo at mga coaches ng mga atleta. ✐ Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Bilang pagbibigay-pugay sa karangalang inihatid sa Lalawigan ng Batangas at CALABARZON Region, opisyal na kinilala at binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga kabataang manlalaro matapos masungkit ang medalyang ginto sa Basketball Competition Elementary Level sa katatapos na 2019 Palarong Pambansa na ginanap sa Davao City noong ika-28 ng Abril hanggang ika-5 ng Mayo.

Ipinakilala ni Provincial School Board – Scholarship Division Head Merlita Pasatiempo sa mga kawani ng Kapitolyo, sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, katuwang ang tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development, ang mga kabataang nagpamalas ng pambihirang kahusayan at abilidad sa larangan ng palakasan.

Ang Region IV-A dribblers ay binubuo ng mga Batangueño Grade 6 students, kabilang sina Vin Aaron De Ramos ng Lemery, na hinirang na Most Valuable Player; Aldy Joaquin Pesigan ng Padre Garcia; Mico Adrian Malapitan ng Lemery; Lemuel John Cuevas ng Bauan; Archie Zaraspe ng San Pascual; Richard Pineza ng Lian; Randulf Carganilla ng Lipa City; at, Ivan Jeff Nathaniel De Claro ng Taal.

Bahagi rin ng grupo sina Davin Dela Cruz at Jake Clarence Blancaflor ng Cavite; Jan Kenjie Evangelista ng Rizal; at, Cyrus Renvel Tolentino ng Quezon.

Naging kaisa at saksi sa tagumpay ng mga manlalaro ang kani-kanilang mga magulang kasama ang dalwang coaches na nagmula rin sa Batangas na sina Erwin Rommel Apilo ng bayan ng Nasugbu at Roderick Alvarez ng Lemery.

Ito ang unang pagkakataon na nasungkit ng CALABARZON ang medalyang ginto sa nasabing kategorya mula noong 2014 nang huli itong naging kampeon. Natalo nito ang mga delagado mula sa Northern Mindanao na nakakuha ng ikalawang pwesto.

Samantala, ang mga nasabing manlalaro, sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan, ay nakatanggap ng sertipiko ng pagkilala, medalya at pagkakalooban ng financial incentive na nagkakahalaga ng Php5,000.00 bawat isa. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.