2019 Mid-Term Program Assessment, Joint Council Meeting, isinagawa sa Batangas Capitol

Docu film na “A Plastic Ocean”, nag-special screening sa Lungsod ng Batangas
July 1, 2019
Ika-23 Anibersaryo ng PACD, ipinagdiwang
July 3, 2019

July 3, 2019

Matapos ibahagi ang katatayuan ng lalawigan sa ilalim ng kaniyang pamumuno sa State of the Province Address (SOPA), agad pinamunuan ni Governor DoDo Mandanas ang Joint Council Meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial School Board (PSB) noong ika-1 ng Hulyo 2019 sa Bulwagang Batangan, Capitol Building, Batangas City.

Bahagi ito ng 2019 Mid-Term Program Assessment ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na may temang “Envisioning One Aspiration, Serving One Purpose, Progressing towards Rich Batangas.”

Ipinakita ng Batangas PDRRMO, sa pangunguna ng kanilang department head, Mr. Joselito Castro, ang mga accomplishments ng kanyang tanggapan, ganun na rin ang mga isinagawa nilang capability building at training programs para sa mga tauhan ng PDDRMO at mga stake holders, na inaasahang mangunguna sa pagtugon sa oras na dumating ang kalamidad at mga sakuna.

Binigyan naman ng rekognisyon ng pamahalaang panlalawigan ang mga PDRRMO Council members na namayagpag sa isinagawang 2019 Gawad Kalasag Awards.

Ang Gawad Kalasag Awards ay kumikilala sa mga provincial at local DRRMO na nagpapatupad ng mga epektibong programa sa paghahanda ng kanilang mga tanggapan, kumunidad at akademiya sa pagtugon sa Disaster Operations.

Nahirang bilang Best Provincial DRRN Council ang Batangas DRRMC; Best Early Learning Center ang Soro-Soro Ibaba Development Cooperative ng Lungsod ng Batangas; Best Primary School Category ang Inicluban Elementary School sa Bauan; Best Secondary School Category ang Calubcob National High School ng San Juan.

Tinanghal namang sa unang puwesto, sa Best Higher Education Category, ang Batangas Stae University, at Best in Hospital Category ang Batangas Medical Center.

Sa pahayag ni Governor Mandanas, ipinagbigay-alam nito na inihahanda na ng lalawigan ang budget para sa disaster program sa taong 2020, at hinikayat ang mga council members na magsumite ng kanilang mga rekomendasyon, mungkahi at programa para mapabilang sa inihahandang pondo.

Sa pagpapatuloy ng pagpupulong, ilang mga mungkahi, isyu at programa ang pinagtalakayan, kabilang ang pag-uulat ng Committee on Environmental Management at Performance Audit ng POC, ang pagdadagdag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at 2 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa PADAC Technical Working Group, at presentasyon ng 2020 Annual Investment Program at English Computerized Learning Program ng Provincial School Board para sa Academic Year 2019-2020./ Edwin V. Zabarte-Batangas Capitol PIO/

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.