2019 Lakbay Sining ‘Bayan Mo, Ilakbay Mo’, matagumpay

Batangueña, wagi sa International Presentation of Performers (IPOP)
July 29, 2019
Lalawigan ng Batangas, 3rd Top Destination sa Pilipinas noong 2018
July 29, 2019

July 29, 2019

Matagumpay na idinaos ang 2019 Lakbay Sining ‘Bayan Mo, Ilakbay Mo” Project, ang ikatlong edisyon ngayong taon na naisagawa sa pamamagitan ng isang culminating program noong July 22, 2019 sa Atrium 2, SM City Batangas sa Lungsod ng Batangas.

Ang Lakbay Sining, na pinangunahan ng Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), katuwang ang Grupo Sining Batangueño (GSB) at Batangas Culture and Arts Council (BCAC) Visual Arts Sector, ay isang proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na naglalayong higit pang mahikayat at makilala ang malilikhaing talento ng mga Batangueño visual artists.

Tampok sa Lakbay Sining ang painting competition, na may kategoryang professional at student, kung saan naging pangunahing tema ng mga paintings ang Diwang Batangueño, o ang limang katangian ng isang tunay na Batangueño na Katapangan, Kagandahan, Katalinuhan, Kagitingan at Kasipagan.

Sa ilalim ng professional category, nagwagi sa kompetisyon bilang 1st placer si Jerwind Magnaye ng bayan ng Bauan, sa kanyang obrang “Repinadong Mugmog,” at nakatanggap ng ₱30,000; 2nd place si Randy Macalindong ng bayan ng Tuy, sa obrang “Bayan ko, Mahal ko” na may naiuwing ₱20,000; at 3rd place si Ian Glenn Garcia ng Lemery, sa obrang “Lemery: Marangal ar Maunlad na Bayan,” na may naiuwi namang ₱10,000.

Nanalo naman sa student category sina Genel Anne May Anonuevo ng Bayan ng Rosario ng unang gantimpala at ₱5,000; Maxine Lleana De Villa ng Batangas City, ikalawang gantimpala at ₱3,000; at, Christmae Paglinawan ng Batangas City, ikatlong gantimpala at ₱1,000.

Nagkaroon din ng isang on-the-spot painting contest, na nilahukan ng 20 na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Pawang mga nagmula sa Padre Garcia ang mga tinanghal na panalo na sina Bernardo Oronos Jr, 1st Place; Vince Martin Macatangay, 2nd Place; at, Limuel Aguila, 3rd Place.

Ang Lakbay Sining 2019 ay pormal na binuksaan noong Marso, at inilibot sa iba’t ibang munisipalidad sa Batangas bilang travelling exhibit na nagtampok sa mga entries ngayong taon. – Marinela Jade Maneja, Photo: Macc Ocampo – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.