2018 Farmers’ Day sa Batangas, Ipinagdiwang

PSB: Higit P260 Milyong Halaga ng mga Proyekto para sa Edukasyon, On-going sa Batangas Province
October 24, 2018
KOOP QUIZ 10TH Blast sa Batangas Province, Idinaos
October 25, 2018

Sulong Magsasaka at Mangingisdang Batangueño sa Landas Tungo sa Pag-asenso. Naging matagumpay ang pagdiriwang ng 2018 Farmers Day na hatid ng tanggapan ng Office of the Provincial Agriculturist na ginanap sa OPA Demo Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City noong ika-25 ng Oktubre 2018. Makikita rin sa larawan (ibabang bahagi) na personal na namili si Batangas Governor Dodo Mandanas ng ilang produktong tampok sa nasabing programa. ✐ Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO

October 25, 2018

Sulong Magsasaka at Mangingisdang Batangueño sa Landas Tungo sa Pag-asenso. Naging matagumpay ang pagdiriwang ng 2018 Farmers Day na hatid ng tanggapan ng Office of the Provincial Agriculturist na ginanap sa OPA Demo Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City noong ika-25 ng Oktubre 2018. Makikita rin sa larawan (ibabang bahagi) na personal na namili si Batangas Governor Dodo Mandanas ng ilang produktong tampok sa nasabing programa. ✐ Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO

Upang pahalagahan at bigyang pugay ang mga naging ambag ng mga magsasaka at mangingisda sa Lalawigan ng Batangas, naglaan ang tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Provincial Agriculturist Engr. Pablito A. Balantac ng isang araw na selebrasyon na ginanap sa OPA Demo Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City noong ika-25 ng Oktubre 2018.

Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga pangunahing bisita na kinabibilangan nina Governor Dodo Mandanas, Sangguniang Panlalawigan Committee on Agriculture Chairperson at 4th District Board Member Jesus de Veyra, Provincial Veterinarian Dr. Romelito R. Marasigan, Department of Agriculture Region IV-A Assistant Regional Technical Director Milo D. Delos Reyes at Agricultural Program Coordinating Officer Fidel Libao.
Sa temang “Sulong Magsasaka at Mangingisdang Batangueño sa Landas Tungo Sa Pag-asenso”, nagsimula ang programa sa isang farm tour o viewing of exhibits kung saan tampok ang iba’t-ibang gulay at pananim. Hatid din ng Farmers’ Day ang maipakita ang ilang pinagmamalaking produkto ng mga Batangueño sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga booths, kabilang ang Batangas Organic and Natural Farming Cooperative o BONFAC, Farm Ready Seedling Corporation, Batangas Cacao Growers Association, Genson Trading at marami pang iba.

Naging sentro ng programa ang ang nakamit na pagkilala ng Lalawigan ng Batangas, sa tulong ng tanggapan ni Engr. Balantac, bilang Most Improved Province of CALABARZON in the 2017-2018 Regional Gawad Saka Search for Outstanding Farmers and Fishers. Iginawad ang nasabing recognition noong ika-12 ng Oktubre 2018 sa Quezon City.
Binigyang daan din ng OPA ang pagbibigay-pugay sa mga Regional Gawad Saka Awardees at Regional Organic Agriculture Achievers, 4 dito ay naging finalists sa nasabing pagbibigay ng pagkilala ng Dept. of Agriculture.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Governor Mandanas ang kahalagahan at malaking bahaging ginagampanan ng bawat isang naglilingkod sa sektor ng agrikultura sa ating lipunan. Ayon sa gobernador, madami pa ang dapat gawin o ibalangkas na mga programa para sa patuloy na pag-unlad at maitaas pa ang antas ng agrikultura sa lalawigan.

Samantala, kasama rin sa mga nakiisa sa 2018 Farmers’ Day ang mga Agriculture Officers and staff ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa probinsya. Nagkaroon din ng games, raffle at videoke challenge sa naturang programa para sa lahat ng mga guests at participants. Inabangan at ikinatuwa naman ng lahat ang “Pinaka-“ entries kung saan nakita ang mga pinakamahahaba at pinakamalalaking mga gulay at prutas. ✐ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.