2018 Batangas Province Local Legislative Awards, Ginanap

Best Marine / Mangrove Protected Areas, Kinilala ng Batanga Capitol
December 10, 2018
Mga Batangueño Student-writers, Pinarangalan Kaugnay ng 437th Batangas Province Foundation
December 11, 2018

Good governance through local legislation. Binigyang-daan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbibigay parangal sa mga natatanging Sanggunian sa Lalawigan ng Batangas sa ginanap na 2018 Local Legislative Awards noong ika-8 ng Disyembre 2018. Makikita sa larawan sina Governor Dodo Mandanas, DILG Provincial Director Adelma Mauleon at DSWD Assistant Secretary Anton Hernandez na personal na iginawad ang Plake ng Pagkilala sa Sangguniang Bayan ng Agoncillo, sa pangunguna nina Vice Mayor Danny T. Anuran (may hawak ng plake) at mga konsehal ng nasabing bayan, sa Provincial Winner sa 4th to 6th Class Municipalities Category. Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by: JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Pinarangalan ang mga Munisipalidad ng Bauan at Agoncillo at Lungsod ng Batangas sa isinagawang 2018 Local Legislative Awards na iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas Province.

Ginanap ang pagbibigay ng parangal kasabay ng 437th Foundation Day celebration ng Lalawigan ng Batangas noong ika-8 Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas.

Pinangunahan nina Gov. Dodo Mandanas, DILG Batangas Provincial Director Adelma Mauleon at Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Anton Hernandez ang awarding ceremony.

Kinilala ang Sangguniang Panlungsod ng Batangas, sa pangunguna ni Vice Mayor Emilio Francisco A. Berberabe, bilang Provincial winner sa kategoryang Component City. Ang Sangguniang Bayan ng Bauan naman, sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Ronald E. Cruzat, ang hinirang na Provincial Winner sa 1st to 3rd Class Municipalities Category, habang nanguna ang Sangguniang Bayan ng Agoncillo, sa liderato ni Vice Mayor Danny T. Anuran, sa 4th to 6th Class Municipalities Category.

Ang Local Legislative Award ng DILG ay nabuo katuwang ang Philippine Councilors’ League (PCL) noong taong 2006. Dito ay kinikilala ang mahusay na pagganap ng mga lokal na lehislatura sa mga lungsod at munisipyo tungo sa makabuluhang lokal na pamamahala, kabutihan ng mga mamamayan at pag-unlad ng kani-kanilang lugar na pinamumunuan.

Samantala, ang tatlong Sanggunian, na binigyan ng natatanging parangal, ang magiging kinatawan ng lalawigan sa 2018 CALABARZON Regional Local Legislative Awards. ✎Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.