September 8, 2017
Naging isa sa mga naimbitahang forum speakers si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa isinagawang 2017 Hong Kong International Talent Exposition noong Agosto 26 – 27, 2017 sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre sa Wanchai, Hong Kong. Naging kalahok sa nasabing job fair ang malalaking kumpanya sa China at Hong Kong kung saan nagbahagi ng kanyang mga kaalaman at karanasan ang Batangas Governor, na isa ring international economist at banker. Hinikayat din niya sa kanyang forum ang mga investors na magtayo ng kanilang mga negosyo at pagawaan sa Batangas Province, na isa sa mga nangungunang business hubs sa bansa. Jenny Asilo Aguilera / Photo: HIM – Batangas Capitol PIO