1st Quarter Meeting ng ABC Federation Presidents Isinagawa sa Kapitolyo

Narra Seedlings Itinanim sa Brgy. Bigain, San Jose; Monte Maria Shrine, Batangas City
March 19, 2021
Water Quality Monitoring sa mga Marine Protected Areas ng Batangas Province, Isinasagawa
March 22, 2021

March 20, 2021

Isinagawa ang 1st Quarter Meeting ng Association of Barangay Captains (ABC) Federation Presidents ng Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD), katuwang ang Tanggapan ng Liga ng mga Barangay Batangas Chapter, noong ika-24 ng Pebrero 2021 sa Sanggunian Panlalawigan Building sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Governor DoDo Mandanas ang mga kapitan sa pagiging mga tunay na frontliners, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Nabanggit din ng gobernador ang kapakinabangang dulot kapag ipinapatupad na ang “Mandanas Ruling” o ang karagdagang Internal Revenue Allocation ng mga local government units, kabilang ang mga barangay.

Ipinaliwanag naman ni Gng. Fredesvinda R. Mendoza, hepe ng PACD, ang mga programa at proyektong ipinatutupad ng kanilang tanggapan, na nakasentro sa paglulunsad ng Multi-Purpose Rescue Van (MPRV). Ang nasabing sasakyan ay magagamit ng mga barangay sa panahon ng pangangailangan kagaya ng kalamidad at sakuna.

Tinukoy din ni Ginoong Joselito M. Castro, department head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang kahalagahan ng MPRV sa paghahatid ng mga evacuees patungo at galing sa mga pansamantalang tuluyan (evacuation centers), paghahatid sa mga responders at kanilang kagamitan patungo sa lugar ng insidente at paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan sa mga apektadong pamilya o populasyon.

Tinalakay naman ni Ginoong Willie Racelis, Senior Executive Assistant ng Tanggapan ng Gobernador, ang tungkol sa economic enterprise, at ang proseso ng pagkuha at pagbabayad sa MPRV.

Pinangunahan ni PACD Assistant Department Head Diosdado C. Macalintal ang presentasyon sa mga ABC Presidents ng prototype model ng MPRV.

Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.