1st Batangas Provincial SK Summit, idinaos

Cassava Farmers’ Day, ipinagdiwang sa San Nicolas
April 10, 2019
Mga Kabataang Batangueño, Binigyang Parangal sa Kapitolyo
April 15, 2019

April 11, 2019

Matagumpay na idinaos ang 1st Batangas Provincial Sangguniang Kabataan (SK) Summit, na ginabayan ng temang “Empowering the Youth: Continuing Capability thru Parliamentary Procedure and Disbursement of SK Fund of SK Federation of Batangas”, noong April 6-8, 2019 sa Subic Bay Traveller Hotel, Subic, Zambales.

Ang nasabing SK Summit, na naisakatuparan sa inisyatiba ni SK Provincial Federation ex-officio Board Member Hannah Beatriz Cabral, ay naglalayong maitaas ang kamalayan ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan patungkol sa tamang pamamahala sa SK Fund. Ito ang ipinaliwanag ni Ramses P. Caraan, Municipal Accountant/Administrator ng Municipal Government of Alitagtag, sa kanyang talk na nakatuon sa “Disbursement of Funds”.

Bukod dito, tinalakay din sa pagtitipon ang mga paksang “Parliamentary Procedures for Barangay Officials”, na tinalakay ni Abigail N. Andres, OIC-PD at Lady Jessica Naong, LGOO II ng DILG Batangas; “Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees (RA 6713), na pinangunahan ni Gary Buaron; at “Mental Health and HIV”, na binigyang-pansin ni BM Cabral.

Ang 3-day SK Summit ay nilahukan ng 328 SK Chairpersons at SK Councilors mula sa mga bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas, kung saan pinakamarami sa mga ito ang nagmula sa mga bayan ng Rosario at Bauan, at Batangas City.

Lubos ang galak ni Bokal Cabral sa naging aktibong partisipasyon ng kanyang mga kapwa kabataang lingkod bayan na nakilahok sa kauna-unahang Batangas Provincial SK Summit. Dagdag pa niya, mahalaga ang isinagawang pagtitipon upang lalo pang mapaigting ang kahalagahan ng pagkakaroon ng elected SK Officials bilang kinatawan ng youth sector, matapos itong maipagpaliban sa loob ng limang taon.

Samantala, ipinamalas din ni Bokal Cabral ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Gov. DoDo Mandanas, sa walang sawa nitong pagsuporta bilang kaagapay ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan, na bagaman at hindi nakadalo sa idinaos na summit bilang panauhing pandangal, ay ipinadala naman si Provincial Administrator Levi Dimaunahan bilang kanyang kinatawan. — Marinela Jade Maneja, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.