18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children, sinimulan na sa Batangas Capitol

Orientation Seminar tungkol sa Livelihood Programs para sa mga PWDs ng Bauan
November 27, 2019
Job Fair, muling isinagawa sa Kapitolyo
December 2, 2019

November 28, 2019

Pormal nang inumpisahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children noong ika- 26 ng Nobyembre 2019 sa pamamagitan ng pagtipon sa mga samahan ng kalalakihan mula sa anim na distrito ng lalawigan, sa pangunguna ng mga kasapi ng Men Opposed to Violence Everywhere – Alliance Against Violence ( MOVE-ALAV) Batangas.

Ang 18-Day Campaign to End VAWC ay nagtataguyod sa layunin ng pamahalaan na mapangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga panuntunan para labanan ang lahat ng uir ng gender-based violence na nakasaad sa 1987 Constitution. Sa pamamagitan ng Republic Act 10398 o the Act declaring November 25 of every year as the National Consciousness Day for the Elimination of VAWC, ang mga ahensya ng pamahalaan ay inaatasang itaas ang kaalaman tungkol sa problemang ito at upang mawakasan na ang lahat ng karahasan at pananakit sa mga kababaihan.

Sa pakikipagtulungan at ugnayan sa Batangas Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang kanilang mga local government counterparts, nagsama-sama ang mga kalalakihan at male-dominated groups sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City para sa isang lecture forum, na pinangunahan ni Atty. Donnabel Cristal Tenorio, Secretary General ng Women Involved in Nation-Building, Inc. (WIN). Tinalakay ni Atty. Tenorio ang Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act, na nagsasaad at nagtataguyod ng mga panuntunan tungkol sa lahat ng uri ng sexual harassment at mga iba pang kaakibat ng pang-aabuso.

Kinikilala ng RA 11313 ang pantay-pantay na karapatan ng lalaki at babae na maging ligtas, hindi lamang sa kanilang pribadong lugar kundi sa lahat ng lugar na pampubliko, kagayan ng opisina, paaralan, lansangan at maging online o sa pamamagitan ng internet.

Sa nasabing programa, isinulong ng pamunuan ng MOVE-ALAV Batangas, na pinangungunahan ni Chapter President Diosdado Macalintal, sa mga dumalo na maging kabahagi sa pagsusulong ng adbokasiya laban sa karahasan, partikular sa mga kababaihan at kabataan.

Sa mensahe ni Governor DoDo Mandanas, sinabi nitong hindi lamang dapat 18 days ang kampanya upang wakasan ang karahasan sa mga kababaihan at kabataan, bagkus ito dapat ay tuloy-tuloy na kampanya na ginagawa sa pamamagitan ng gabay ng Diyos.

Tampok din sa programa ang paghirang sa tinanghal na Mr. Right 2019 o the search for the 2019 VAWC Advocate na nilahukan ng mga kawani mula ng mga local government units, na siyang magiging mga modelong empleyado na mangunguna sa pagsulong ng adbokasiya laban sa lahat ng uri ng karahasan.

Tinanghal na 2019 Mr. Right si Rygeen G. Aguilar ng Bayan ng Rosario, 1st Runner-up si Roberto G. Catam Jr. ng Agoncillio, at 2nd Runner up si Patrolman Reginald A. Roxas ng Batangas Philippine National Police (PNP). Kinilala namang Best Violence Against Women and Children (VAWC) Advocate si Doroteo D. Conamay mula sa bayan ng Lian, at Best in Personal Presentation si Engr. Jerameel Bienvinido M. Calayan III ng Provincial Engineer’s Office.

Nakiisa sa pagtitipon sina PSWDO Assistant Department Head Flor Lachica, 1st District Board Members Junjun Rosales at Glenda Bausas, at Batangas Province Association of Barangay Captains President, Board Member Wilfredo Maliksi.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.