16th Congress ng Batang Atikha Savers Club, isinagawa sa Kapitolyo

Kapayapaan, tampok na paksa sa Patimpalak sa Makabagong Panunula 2019
August 29, 2019
Pagdiriwang ng ika-119th Anibersaryo ng Serbisyo Sibil, opisyal na sinimulan sa Kapitolyo
September 2, 2019

August 30, 2019

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Department of Education (DepEd) Batangas, ang 16th Congress ng Batang Atikha Savers Club sa Provincial Auditorium, Capitol site, Batangas City noong ika-29 ng Agosto 2019.

Sa gabay ng temang “Disiplinahin ang paggasta upang bukas ay maraming pera,” isang pagbibigay- kaalaman ang isinagawa tungkol sa mga paraan ng pag-iimpok ng pera, para sa mga kabataang mag-aaral at anak ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Lalawigan ng Batangas.

Layunin ng programa na magbigay ng mga paalala at payo sa wastong pamamaraan ng paggastos upang mapahalagahan ang mga pinaghihirapan at sakripisyo ng kani-kanilang mga magulang, at matutunang ipundar ito para sa mga mas mahahalagang bagay, kagaya ng pagiimpok para sa kanilang edukasyon.

“Kailangang pakaisipin ang mga paggastos at kung paano makakaipon,” pahayag ni Ms. Jocelyn R. Montalbo, department head ng PSWDO. “Sila ay nagpapakahirap magtrabaho, nakakaramdam ng iba’t-ibang emosyon sapagkat napakahirap mawalay sa pamilya.”

Aktibong dumalo at nakinig ang mga elementary at senior high school students mula sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan, kasama ang mga guro at opisyal ng DepEd Batangas at Atikha, Inc. Nakiisa rin sa pagtitipon sina Vice Governor Mark Leviste, 5th District Senior Board Member (BM) Claudette Ambida-Alday, at si 1st District BM Carlo Roman Rosales, na Chairperson ng Committee on Social Welfare ng Sangguniang Panlalawigan.

Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.