154th Birth Anniversary ni General Malvar, ipinagdiwang

Mga Batangueño, top sa Master Electrician Board Exam, medalist sa math competition
September 30, 2019
Pangulong Duterte, bukas sa ibang paraan para sa agarang pagpapatupad ng Mandanas decision
October 1, 2019

September 30, 2019

Ipinagdiwang ang ika-154 na taon ng kapanganakan ni Heneral Miguel Malvar noong ika-27 ng Setyembre 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Sa programang inorganisa ni Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., apo ni Heneral Malvar, binigyang-pugay ang pambansang bayani sa pamamagitan ng isang palabas na nagsalaysay ng buhay nito, sa pananaw ng mga kamag-anak at historians.

Kabilang sa mga naging panauhin sa pagtitipon sina Governor DoDo Mandanas, Vice-Governor Mark Leviste, mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, at mga miyembro ng Katipunan Kontra Krimen at Korapsyon, Labor Party Philippines at Citizen Crime Watch.

Inilunsad din dito ang gagawing pelikula sa buhay ng bayaning Batangueño, ang kinikilalang kahuli-hulihang Pilipinong Heneral na sumuko sa mga Amerikano noong Filipino-American War noong 1899 hanggang 1902.

Ang nasabing pelikula ay pagbibidahan ni Senator Manny Pacquiao, na kamakailan lamang ay opisyal na idineklarang Adopted Son of Batangas ng pamahalaang panlalawigan.

Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.