11 Barangay sa Batangas Province, Kabilang sa Idineklarang Leftist Insurgents-free

Batangas, Idineklara Bilang Lalawigan na may “Stable Internal Peace and Security”
March 12, 2021
Fire Prevention, Ipinaaalala Lalo Ngayong Summer Months
March 13, 2021

March 13, 2021

Nakatakdang Tumanggap ng ₱20M Bawat Isa

Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pamamagitan ng CALABARZON Regional at Batangas Provincial Offices nito, ang isang Orientation Meeting tungkol sa Local Budget Circular (LBC) No. 135 mula sa Department of Budget and Management, na nagtatakda ng pondong tig-dadalawampung milyong piso para sa mga barangay na idineklarang walang mga maka-kaliwang rebelde noong ika-3 ng Marso 2021 sa DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa labing-isang barangay sa Lalawigan ng Batangas, na kasama sa 822 na mga barangays na nauna nang idineklarang armed conflict- cleared barangays at benepisyaryo ng programa sa buong Pilipinas.

Kaugnay ng Support to Barangay Development Program ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict, idineklarang leftist insurgents – free ang Barangay Patugo at Sukol, Balayan; Barangay Coral ni Lopez at Taklang Anak, Calaca; Barangay Talibayog, Calatagan; Barangay Lumaniag, Lian; ; Barangay Toong, Tuy; at, Barangay Bulihan, Kaylaway, Looc, at Papaya, Nasugbu.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan nina Gng. Abigail N. Andres, OIC – DILG Provincial Director at Engr. Daniel Carlo M. Farenas ng DILG Region IV-A. Dumalo rin dito, sa pamamagitan ng online video teleconferencing si Gov. DoDo Mandanas, kasama ang mga kinatawan ng mga kaakibat na tanggapan ng Kapitolyo.

Binigyang-diin ng gobernador ang malaking maitutulong na nasabing pondo sa mga barangay na makakatanggap nito. Tinalakay naman ni Engr. Farenas ang mga posibleng proyektong maaaring paglaanan ng pondo na dapat maisakatuparan hanggang ika-31 ng Disyembre 2022.

Nagkaroon din ng Open Forum para sa mga katanungan at paglilinaw sa programa, at paggawa ng action plan ng mga benepisyaryong barangay, na kinakailangang kasama sa kanilang Barangay Development Plans.

Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.