₱150 Milyong Halaga ng Insentibo at Ayuda, Dagdag Suporta ng Lalawigan Ngayong may Pandemya

Libreng Laptop para sa mga Pampublikong Guro sa Lalawigan ng Batangas, Muling Ipinamahagi
March 26, 2021
Batangas Capitol, Gov. Dodo: Hinihikayat ang mga Batangueño na Makiisa sa Earth Hour
March 27, 2021

March 26, 2021

Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pamamahagi ng nakalaang halagang ₱150 Milyon na ayuda para mapalawig pa ang pagbibigay ng tulong sa bawat Batangueño ngayong patuloy pa rin na nararanasan ang epektong dala ng pandaigdigang krisis-pangkulusan na COVID-19.

Kaugnay ito sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas na mabigyan ng kaukulang reward o insentibo ang mga pamilya o households na walang naitalang confirmed COVID-19 positive patient sa mga miyembro nito, at mapaabutan naman ng suporta ang mga pamilyang hindi pa nakatatanggap ng anumang ayuda mula sa pamahalaan.

Ang proyektong ito ng Batangas Inter-Agency Task Force Against COVID-19 at ng Provincial Health Office ay bilang pagpapalakas pa lalo ng kampanya ng lalawigan upang tumalima o sumunod ang bawat isa sa mga kasalukuyang ipinatutupad na minimum health standards, na itinuturing pa rin na mainam at mabisang proteksyon laban sa virus.

“Sa mga hindi nakasama sa contact tracing, bilang pagtulong sa mga talagang sumusunod sa ipinatutupad na health protocols, magbibigay tayo sa kanila,” ani Governor Mandanas sa isinagawang lingguhang pagpupulong ng Provincial Inter-Agency Task Force.

Nag-umpisa ang pamamahagi ng ayuda, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office katuwang ang Office of the Provincial Governor, at pakikipag-ugnayan sa mga Barangay Health Workers, noong ika-25 ng Marso 2021, sa Bayan ng Ibaan, kung saan naipagkaloob ang mga vitamins, food packs, face masks at face shields.

Samantala, binigyang-diin pa rin ni Governor Mandanas na patuloy na gawin at sundin ang Hugas, Iwas, at Mask campaign, na kinakapalooban ng mga itinakdang health guidelines tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na sabon at tubig sa loob ng 20 segundo, pag-distansya ng dalawang metro at paglimita sa pisikal na inter-askyon sa iba, at ang pagtiyak ng pagkakaroon ng dobleng proteksyon sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photos: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.