Gov. Vi Tinipong Muli Ang BPSP Scholars '10-'11 July 13, 2010
Dinagsa ng mahigit sa isang libong estudyante ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas para sa inaasahang pamimigay ng scholarship grants noong Hulyo 12 na pinangunahan mismo ni Gobernadora Vilma Santos Recto kabalikat ang Provincial Assistance for Community Development (PACD) Office.
Ang nasabing semestral distribution grants ay bahagi ng Batangas Provincial Scholarship Program (BPSP) na sinimulan pa ni dating Gob. Hermilando Mandanas na isinalin sa mga sumunod na administrasyon at sa kasalukuyan ay pinagbubuti pa sa pamamahala ni Gob. Santos Recto. Kabilang sa developments na ito ay ang isang taon ng full scholarship kung saan ang napiling mga estudyante ay tumatanggap ng PhP 25,000.00 kada semester. Dagdag pa rito ay ang katuparan niya sa kanyang binitawang pangako kung saan itinaas ni Gob. Vilma ang dati nang PhP 8,000.00 na sa ngayon ay PhP 10,000.00 nang scholarship grant.
At sa muling pagbubukas ng Academic Year 2010-2011, binuo ng 1,117 BPSP scholars ang karangalan ng lalawigan na pahalagahan ang edukasyon para sa mga kabataan. Kabilang sa kanila ang 997 old scheme scholars na mabibigyan ng sampung libo bawat isa at ang natirang 120 ay swerteng napili para sa new scheme/full scholarship na mapaglalaanan ng 25 libong piso.
Agad namang sinalubong ni Mr. Pedrito Martin Dijan, PGDH-PACD para pormal na panimulan ang programang hinanda para sa mga scholars. Sinundan ito ng mensaheng puno ng inspirasyon na hinandog ni Gob. Vilma kung saan hinikayat niya ang mga estudyanteng mag-aral nang mabuti para sa kanilang magandang kinabukasan. Personal niya ding iniabot sa mga piling estudyanteng scholar ang katunayan ng kanilang kahusayan.
Kasama sa ceremonial distribution of grants para sa BPSP-VSR full scholarship sina Grenalyn Ramos ng Lipa City (new qualified applicant), Joel Abanico ng Nasugbu (new qualified applicant) at Arvin Mendoza ng Calaca (maintainer). Samantalang sa old scheme naman ay napabilang sina Princess Balba ng Agocillo (new qualified applicant), Cassandra Mae Protestant eng San Luis (new qualified applicant), Jumar Sadsad ng San Juan (maintainer) at Khrystine Ann Mangulat ng Padre Garcia (maintainer).
Pagkatapos nito ay binigyang pagkakataon na din ang mga scholar na makamit ang kanilang grants mula sa PACD office. - Kristina Marie Joy Andal
|
 |
 |
-
August 24, 2010
-
August 20, 2010
-
August 13, 2010
-
August 12, 2010
-
August 5, 2010
|
 |
 |
|