News and Events
VP Laurel Mural Pinasinayaan sa Bulwagang Sanggunian
July 1, 2010

Mga Bagong Bokal, Pormal at Opisyal ng Naglingkod


Naging makasasayan ang naging unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ng pormal na buksan sa SP Session Hall ang mural ni Vice- President Salvador “Doy” Laurel  noong ika- 1 ng Hulyo 2010.

Ang makabuluhang tagpong ito sa inaugural session  ng 7th  Provincial  Congress ay sinaksihan ni Batangas Governor Vilma Santos Recto kasama ang buong Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Mark Leviste

Naging pangunahing saksi ang angkan ni dating Bise –Presidente Doy Laurel at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kung saan sa kanyang alaala at adhikain ipinangalan ang naturang bulwagan.

Sa maikling mensahe ni Victor “Cocoy” Laurel  nagbigay pasasalamat ang Laurel Family  sa pagbibigay ng lalawigan ng karangalan at pagkilala sa halaga ng mga ipinaglaban at prinsipyo ni Vice President Doy na labanan ang diktaduryang Marcos para makamtan muli ng bansa ang demokrasya.

Sa pag- upo muli ng bagong Aquino bilang pangulo ng bansa, isa sa mga lider oposisyon si Doy Laurel na umatras sa kanyang kandidatura bilang pangulo   sa hangarin  nitong magkaroon ng nagkakaisang oposisyon laban kay Marcos na   nagbigay daan sa pagkakaluklok ng taong bayan kay Presidente Corazon Aquino, ina ng ika- 15 Pangulo ng Republika, Benigno “ Noynoy” Aquino III.

Pormal na ding  tinangap ng Sanggunian Panlalawigan  bilang opisyal na miyembro ng pamilya sa pangunguna ni Vice Governor Mark Leviste ang mga bagong miyembro nito na sina first time Board Members,  Christopher “ Boyet” de Leon na kumakatawan sa segunda distrito ng Batangas, Bokal Alfredo Corona ng 3rd District,  nagbabalik na bokal na sina BM Loring Bausas ng 1st district at Rowena Africa ng ika-apat na distrito.

Naging unang resolusyon at agad na ipinasa  ng bagong mukha ng Sanggunian ang paglilipat ng araw ng regular na sesyon sa araw ng Miyerkules alas diyes ng umaga mula sa dating araw nitong Huwebes sa oras na ikalawa ng hapon.

Sa paghahatid ng  mga miyembro ng SP ng kanilang inaugural adress  laman nito ang hangarin ng pinalakas at mas epektibong pagsisilbi sa taong bayan sa pamamgitan ng pakikipagtulungan nito sa ehekutibong pamunuan ni Governor Vi

Binigyang diin  ng mga ito ang pagkakaisa at pag iisang tabi ng kulay pulitika o pagkakahati sanhi ng pag-kakaiba ng partido.

Sa kanyang mensahe para sa SP, ipinaabot ni Governor Vi ang kanyang pagbati sa mga bagong kapamilya at kanyang hanagarin na makasama ang mga ito sa pagbibigay ng Serbisyong tapat ng may Puso Pa. “ Ang ating pagkakabuklod-buklod sa panahong ito ay bahagi  ng ating mandato at ng maipabot sa higit na nakakarami ang mga tulong upang mapaunlad acng kapakananng ating mga kababayang Batangueno” pagtatapos ng Gobernador. - Edwin V. Zabarte