June 29, 2010
Batangas Capitol, Batangas City- Nanumpa ng kanilang mandato bilang lingkod bayan ang mag-asawang Senator Ralph G. Recto at Governor Vilma Santos Recto sa harap ng mamayang Batangueno noong-ika 28 ng Hunyo 2010.
Ang pagsumpa sa tungkulin ni Govern Vi bilang 2nd term Governor ng Batangas ay isinagawa ni Judge Florencio Arellano kasabay ng pagsumpa ni Senator Ralph G. Recto ng kanyang Oath of Office kay Governor Vi ganun din ang iba pang mga halal na opisyal ng Batangas.
Kabilang sa sumumpa kay Governor Vi ay sina 2nd term Vice Governor Mark Leviste, at bagong Congressman ng unang distrito Cong. Tom Apacible, newly elected Board Members, Christopher de Leon(Batangas 2nd District) BM Alfredo Corona(3rd District) BM Lorenzo Bausas(1st District) 2nd Termer Board Members, Roman Rosales, BM Joel Atienza, BM Florencio de Loyola at BM Amado Carlos Bolilia.
Nanumpa din ang mga Mayor na sina Ryanh Dolor ng Bauan, Larry Alvarez,Tingloy; Carlito Reyes, Malvar; James Amo ng Laurel; Marie Segunial, Sta. Teresita; Entiquo Briones, San Jose; Juan Toreja ng Ibaan; Michael Montenegro ng Taal at Mayor Sophie Palacio ng Calatagan.
Sa muling pag-upo ni Governor Vi bilang ina ng lalawigan, puspusang pagtututok at pag-papalakas pa ng kanyang mga programa sa ilalim ng HEARTS ang una sa kanyang pamunuan.
Nakatuon din ang kanyang pamunuan sa pagkikipagtulungan sa mga nanalong mga kandididato sa lalawigan sa pagpapaganap ng mga pang kaunlarang proyekto para sa mga Batangueno, “ Ako bilang Gobernador ng lalawigan ay Gobernador hindi lamang sa mga kapartido, kundi Gobernador para sa lahat, ang pakikipag kaisa at pakikipagtulungan natin sa mga opisyal na nahalal sa lalawigan ay isang magandang daan at simula sa pagtataguyod natin ng kinabukasan ng ating mga kababayan” wika ng Gobernadora.
Sa pagsumpa niya sa harap ng mga Batangueno sinabi ni Senator Ralph Recto ay isa lamang sa paraan upang ipakita ang pasasalamat sa suporta at tiwala na ibinagay sa kanya ng mga kababayan.
Sa muling pag-upo ni Recto sa Senado magbubukas ito ng daan para sa mas malakas na pag-uugnayan at pagtutulungan sa pagbibigay ng mga proyektong pangkaunlaran para sa lalawigan ng Batangas.Naktutok din si Senador Recto sa mga Economic Policies na syang muling magtataguyod sa Pilipinas na muling manguna sa South East Asian Region. -
Edwin V. Zabarte