News and Events
Outstanding Day Care Centers sa Lalawigan Kinilala
March 2, 2010


Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang 21 Daycare Center  mula sa Bayan ng Padre Garcia, San Pascual, Malvar at Calaca kaugnay sa pag-papaganap nito sa programang pangkalusugan at kalinisan at nutrisyon.

Ang pagbibigay pagkilala ay ginanap noong ika-1 Marso 2010 sa Provincial Auditorium at pinangunahan ni Batangas Governor Vilma Santos Recto kaagapay ang Batang may K Foundation at Provincial Social Welfare and Development Office.

Ang Batang May k ay isang inisyatibo na naglalayong magturo sa mga batang musmos ukol sa pag-kakaroon ng proper hygiene at pagpapahalaga sa kalinisan ng katawan at kalusugan.

Ayon kay Dr. Noel Ballesteros, project director ng Batang May K sa lalawigan,  bukod sa pag linang ng kaisipan, layunin  din  ng kanilang adbokasiya na gawing natural sa mga bata sa mga daycare centers ang pag-kakaroon ng proper hygienic values tulad ng tamang paghuhugas ng kamay, pagsesepilyo at pag kain ng tama bilang paghahanda sa mga ito ng kanilang kinabukasan.

Tinanghal na Most Outstanding Day Care Center ang Magnolia Day Care Center sa Brgy. Bawi, Padre Garcia.  Most Outstanding Daycare Worker naman si  Rosario Ilao ng Gumamela Day Care Center sa Brgy. Maugat West, Padre Garcia.

Ang mga kinilalang Daycare  ay ang Magnolia, Gumamela, Yellow Bell, Ilang –ilang at Camia Daycare Centers sa Bayan ng Padre  Garcia;  Pook ng Kapitan, Pila, Poblacion 1,II at III Daycare Centers sa San Pascual; Santiago, Poblacion, San Juan, Fatima at Luta Sur Day Care Centers ng Malvar;  Munting Puso, Little Angels, Home Sweet Home, Batang Calaca at Bulilit Day Care Center ng Bayan ng Calaca. - Edwin V. Zabarte