March 2, 2010Masiglang ipinagdiwang ng mga kababihan ng lalwigan ang Women’s Month Celebration na may temang “ Malakas at Masiglang Kababaihan Kaagapay sa Pagpapaunlad ng Pamayanan” para sa taong ito.
Ang taunang pagkilala sa kakayahan at importansya ng Kababaihan sa lipunan ay pinamunuan mismo ng Ina ng lalawigan Gobernadora Vilma Santos- Recto.
Sa kanyang pagharap sa kapwa kababaihan sa ginaganap na Provicial Women’s Congress binigyang halaga nito ang pangunahing ganap ng mga babae bilang isang ina.
Suportado ni Governor VI ang Republic Act 9710 o mas kilala sa twaga na Magna Carta for Women na siyang pangunahing batayan ng Batas ukol sa mga karapatan ng mga babae sa bansa.
Pinagbigay alam nito sa mga kapwa babae na ang panahon na para ipakita sa mundo ang kababaihan ay isa rin sa mga pinakamamagaling na tagpapagsulong ng reporma at kaunalaran sa kanyang komunidad.
At isang buhay na patunay nga dito ay ang pagkahalalal niya bilang kauna-unahang Babaeng Gobernador ng lalawigan.
“ Hindi biro ang maging isang ina, simula pa lang sa pag-dala nyo ng inyong anak sa sinapupunan ng siyam na buwan at ang pagiging full time mother sa inyong pamilya ay trabahong di biro at walang katapusan habang kayo ay may buhay” pagtatapos ng Gobernadora.
Isinusulong din ng Magna Carta ang mas malalim at mas aktibong pakikilahok ng mga kababaihan sa paghubog ng pamayanan.
Naging pangunahing tagapagsalita sa pagtitipon ang mga batikang women’s rights advocate na sina Atty. Ana Luz Cristal para sa oryentasyon ng mga Provincial Women’s organization sa nilalaman ng Magna Carta for Women at Esmela David para sa Social Skills Enhancement Seminar. -
Edwin V. Zabarte